Father’s Day double murder

By Ricky T. Tulipat

image

Sa ulat ni PO3 Marlon dela Vega, ng Quezon City  Police District at may hawak ng kaso, ang mga na­sawi ay nakilalang sina Fran­cisco Remedillo Sr., at anak anakan nito na Marlon dela Cruz, 36, binata, kapwa residente sa no. 74 Kasipagan St., Brgy. Batasan Hills, QC.  File

Mag-ama utas sa tandem

MANILA, Philippines - Patay ang isang 68-an-yos na lalaki at kanyang anak-anakan makaraang  pasukin sa loob ng kanilang bahay ng dalawa sa limang armadong lalaki na naka-face mask at pagbabariln sa Barangay Batasan Hills, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO3 Marlon dela Vega, ng Quezon City  Police District at may hawak ng kaso, ang mga na­sawi ay nakilalang sina Fran­cisco Remedillo Sr., at anak anakan nito na Marlon dela Cruz, 36, binata, kapwa residente sa no. 74 Kasipagan St., Brgy. Batasan Hills, QC.

Ayon kay Dela Vega, nasa lima ang mga suspek, subalit dalawa lamang sa mga ito ang nakasuot ng face mask at bull cap ang siyang pumatay sa mga biktima.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente dakong alas 9:30 ng gabi sa loob ng bahay ng mga biktima. Kasama ni Francisco ang kanyang  misis na si Arsenia nang biglang  pumasok ang  dalawang suspek at agad na pinagbabaril ang mga biktima.

Matapos ang pamamaril ay agad na umalis ang mga suspek at nagtungo sa tatlo pang kasamahang nagsilbing look out sakay ng kani-kanilang mga motorsiklo saka sumakay sa nakalaan sa kanilang motorsiklo at nagsipagtakas.

Agad namang ipinabatid ni Arsenia ang insidente  sa mga opisyales ng barangay Batasan na siya namang tumawag ng otoridad para sa pagsisiyasat.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa crime scene, narekober ang  apat na basyo ng bala mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril, limang tingga, at isang depormadong jacket ng bala. Nakakuha din si Dela Vega ng  dalawang piraso ng sachet ng shabu sa bangkay ng mga biktima.

Inaalam pa kung may kinalaman sa iligal na droga ang naturang pamamaril sa mga biktima.

comments powered by Disqus

mofuse.com