Moratorium sa paniningil sa Quinta Market ipatupad

By Doris Franche-Borja

Sigaw ng mga stall holders

MANILA, Philippines - Kinondena ng mga stall holders sa Quinta Market ang mataas na singil sa renta ng Mar­ketlife Management and Leasing Corporation bukod pa sa hindi pagpapatupad ng mora­torium dito.

Nagtungo sa  konseho ng Maynila  ang mga stall holders kung saan nag-privilege speech ang mga konsehal ng ikatlong distrito kung saan sakop ang nasa-bing palengke.

Ayon kay Councilor Letlet Zarcal, taliwas ang nangyayari ngayon sa singilan sa nasabing palengke sa isinasaad ng kontrata. Aniya, lumi-litaw sa reklamo ng mga stall owners na umaabot umano sa 300% porsiyento ang sinisingil sa mga ito kasama na umano ang VAT.

Nakasaad aniya sa kontrata na P15 lamang kada sq.meter ang ba­yad sa bawat stall suba­lit umaabot na ang si­ni­­si­ngil sa halagang P67.25 ng Marketlife  na siyang developer ng Quinta Market sa Quiapo, Maynila.

Giit pa ni Zarcal, may dalawang taong mora­torium na ibinigay si Manila Mayor Joseph Estrada na kaluwagan sa mga stall owners.

“Hindi na ba sinusunod ng Marketlife ang kagustuhan ni mayor na moratorium sa pani-ningil?” ani Zarcal.

Sa panig naman nina Councilor Re Fugoso at Grace Chua, hindi ma-katarungan ang sinisi-ngil dahil sa committee hearing sa joint venture project ay may 2 yr moratorium sa pagtaas ng singil at dapat just and reaso-nable increase in rate.

Aniya, dapat ay big­yan ng pagkakataon ang mga vendors na mag­hanapbuhay ng ma­rangal. Dagdag nito, aanhin ang isang magandang palengke kung nalulugi naman ang manininda at sa pagtaas ng rates ay tatamaan din ang mamimili.

Sa panayam naman sa mga vendors sa Quinta Market, ang malaking sinisingil ay bunsod na rin umano ng ginastos sa ‘‘reinforcement’’ ng developer sa pilote ng palengke.

Nabatid na tanging ang Marketlife na developer ng Quinta ang sumuway umano sa utos ni Estrada samantalang ang XRC na developer ng apat pang palengke ay sumunod sa kontrata sa konseho.

Para naman kay  Coun­­cilor Bernie Ang, sumang-ayon sila sa joint venture agreement upang mabigyan ng maayos na kabuhayan ang mga vendors at maging convinient para sa mga mamimili.

Ang privilege speech ng apat na konsehal ay isinumite sa Committee on Markets na pinamumunuan ni Councilor Joel Par.

comments powered by Disqus

mofuse.com