Jeepney modernization program, hindi anti-poor – DOTr

By Mer Layson

MANILA, Philippines — Muling nanindigan ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na hindi anti-poor ang isinusulong na Public Utility Vehicle Moder­nization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, ang PUVMP program ay mag-aangat sa buhay ng mga naghihikahos na driver ng mga pampasaherong jeepney at iba pang transport sector sa bansa.

Sinabi ni Tugade, magka­roon sana ng mas malawak na pananaw ang mga komu­kontra sa programa partikular ang grupo ni George San Mateo ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Ope­rator Nationwide (PISTON).

Anang kalihim, panahon­ na para magkaroon ng  pagbabago tungo sa magandang buhay ng mga lihiti­mong jeepney driver at ope­rator na matagal ng napagka­itan sa modernong sasak­yan kaya sila nananatiling ‘salat at hikahos sa buhay’. 

“Gumagawa tayo ng pa­mamaraan na kung saan yung jeepney ay magiging compliant sa mga specifica­tion na gusto natin sa program upang ang paghaha­nap-buhay ay kakambalan natin ng responsibilidad sa kapaligiran. Maghanap-buhay ka pero ‘wag mong patayin ‘yung environment. Mag­ha­nap-buhay ka pero panga­lagaan mo ang henerasyon na darating,” sabi pa ni Tu­gade.

Sa ilalim ng PUVMP pro­gram ay binibigyan ng pagka­kataon ang mga may luma at kakarag-karag ng pampasaherong jeep na maka-avail ng  financial assistance o utang sa ilalim ng government subsidy. 

Maging ang Pangulong Rodrigo Duterte ay una nang nanindigan na isusulong niya ang programa para sa kapakanan ng mas nakararami na pabor at nani­niwalang gaganda ang ka­­­nilang buhay. Anang Pa­ngulo, hindi mapipigilan ng tigil-pasada ang jeepney mo­­dernization program.

comments powered by Disqus

mofuse.com