Speed limit sa EDSA, ibababa sa 50kph

By Danilo Garcia

image

Ipinamahagi kahapon ni MMDA chairman Danny Lim ang mga body camera na gagamitin ng kanilang traffic enforcers sa pagmamando ng trapik sa kahabaan ng EDSA. (Kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines — Plano ng Metropolitan Manila Development Autho-rity (MMDA) na ibaba pa sa 50 kilometro kada oras ang speed limit sa EDSA dahil sa dami pa rin ng nagaganap na aksidente dito. 

Sinabi ni MMDA asst. manager for planning Jojo Garcia na ipinanukala nila ito sa isang pagdinig sa Kong­reso bilang isa sa paraan nila para mapababa ang nagaganap na aksidente sa kahabaan ng EDSA. 

Sa kanilang Metro Mani- la Accident Recording and Analysis System (MMRAS) para sa taong 2016, nasa 109, 322 aksidente ang naitala sa Kamaynilaan na nagresulta sa pagkasawi ng 446 na tao.  Nasa 37.34% ng aksidente ay naganap tuwing gabi habang 62.65% ay naganap sa araw.

Sinabi ni Garcia na inaprubahan ang panukala sa pinakahuling pulong ng Metro Manila Council (MMC) na binubuo ng mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan sa Kamaynilaan at siyang pinagbabasehan ng mga polisi-  yang ipinatutupad ng MMDA.

Nakasaad din sa datos ng MMRAS na nasa 50 kalsada sa Metro Manila ang mapa-nganib sa mga motorista kabilang ang malaking baha-gi ng EDSA, Commonwealth Avenue, C4 Road, Osmeña Highway, Marcos Highway, C5 Road at iba pa.

Nanguguna ang motorsik-lo sa pinakamaraming aksidente na may nasawi sa bilang na 218, trak (103), at mga kotse/SUV (98).

comments powered by Disqus

mofuse.com