Carpool sa EDSA, pasisimulan na!

By Lordeth Bonilla

image

Sinabi kahapon sa press briefing ni Jojo Garcia, MMDA assistant general manager for planning, sa HOV aniya kailangan dalawa o higit dito ang sakay ng isang behikulo kapag babagtas ng EDSA. File

MANILA, Philippines — Simula sa Lunes (Dis­yembre 11) isasagawa na  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dry run para sa pagpapatupad ng “high occupancy vehicle (HOV) lane” o mas kilala sa tawag na “share a ride o carpooling” sa kahabaan ng EDSA.

Sinabi kahapon sa press briefing ni Jojo Garcia, MMDA assistant general manager for planning, sa HOV aniya kailangan dalawa o higit dito ang sakay ng isang behikulo kapag babagtas ng EDSA.

“This traffic reduction measure would give privilege to vehicles with many passengers,” ani  Garcia.  

Bagamat dry run pa lamang ang isasagawa sa Lunes, ito ay para mapamil­yar na ang mga motorista  sa naturang bagong traffic scheme. Ibig sabihin hindi pa manghuhuli ang kanilang mga traffic enforcers kundi magpapaalala lang muna sa kanilang maiispatang bumi­biyaheng mag-isa.

Nabatid na ang itinala­gang HOV ay ang EDSA  inner­most lane, ang lane na ma­lapit sa pader ng Metro Rail Transit (MRT).

Gayunman, pwede namang magamit ng nag-iisang nagmamaneho ang forth lane at motorcycle lane ng EDSA.

Layunin nito na bawasan ang volume ng mga sasak­yan sa kahabaan ng EDSA.

Ito naman ay matapos aprubahan ng Metro Ma­nila Council (MMDA) na kinabibilangan ng mga Metro Manila mayors, ang police making body ng MMDA.

Sinabi ni Garcia, na nasa 70 porsiyentong behikulo na bumabagtas sa EDSA ay iisa lamang ang sakay o di kaya ang driver lamang ang sakay.

Kung saan nakakadagdag ang mga ito nang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga lansangan ng Kalakhang May­nila lalu na sa EDSA.

“By introducing HOV lane, we are hopeful to decrease by 30 percent the number of private vehicles traversing along Edsa,” ani  Garcia.

Nilinaw ni Garcia, na hindi aniya exempted ang mga motoristang exempted sa number coding.

Kahit may exemption pa sila ng MMDA para sa number coding, kapag dumaan sila ng EDSA na isa lamang ang sakay ay huhulihin pa rin ito.

Inamin naman ni Garcia, wala pa silang pag-aaral kung magiging epektibo nga HOV sa paglutas ng trapik sa Metro­ Manila.

Sabi pa ni Garcia, hindi pa nila natatalakay sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tutol sa carpooling scheme. Nabatid  na papapatawan ng multang P500 ang sinumang lalabag sa natu­rang bagong traffic scheme sakaling tuluyan na itong ipa­tupad.

comments powered by Disqus

mofuse.com