Cargo handlers pumalag sa polisiya ng BoC

By Doris Franche-Borja

MANILA, Philippines - Pinalagan ng mga negosyante sa pier, kabilang na ang grupo ng mga kapitalista at foreign investors, ang plano ng Bureau of Customs na maglagay ng temporary storages para sa “overstaying or abandoned” goods, na anila’y magbubunga lang ng korap­syon at pagtaas ng presyo ng produkto sa katagalan.

Ang draft ng Customs Administrative Order, na tinalakay sa isang forum na inorganisa ng BoC noong Hunyo 8 ng taon, ay magpapatupad sa Section 307 ng Customs Moderniza- tion and Tariff Act na ginawa dalawang taon na ang nakalilipas.

Kabilang sa mga dumalo sa forum ang mga kinatawan mula sa  Cargohaus Inc., DHL Express, ICTSI, Paircargo, UPS, Authori­ty of the Freeport Area of Bataan, Association of Petrochemical Manufacturers of the Philippines, Asian Terminals Inc., Association of International Shipping Lines, PricewaterhouseCoopers Philippines, at Philippine Skylanders International Inc.

Nakasaad din sa draft CAO na magdidikta ng bagong bayarin ang BOC para sa temporary storage na tiyak umano na magreresulta para maningil din ng dagdag bayad ang mga cargo.

Nangangamba din ang mga stakeholders na lalong lalala ang korupsyon at aregluhan sa BoC, sa CAO umano kasi ay 90 days lamang pinapayagan ang storage na kung lalagpas ay isasailalim na ang goods sa customs procedure kasama na dito ang pag- auctioned, condemned or re-exported.

“This whole idea smacks of corruption – stay in the Temporary Storage Area until we’re able to make ‘‘areglo.’’ But what happens after 90 days?”ayon pa sa grupo.

Ipinagtanggol naman ni  BoC Commissioner Nicanor Faeldon ang draft order na bahagi umano ng Customs modernization program gayunpaman tiniyak nito na kanyang sisilipin din ang argumento ng mga stakeholders. Sa Hunyo 22 nakatakdang idaos ang public consultation.

comments powered by Disqus

mofuse.com