Bagong gusali sa QC Hall, binuksan para sa taxpayers

By Angie dela Cruz

MANILA, Philippines - Pansamantalang binuksan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang ground floor ng bagong four-level parking building sa loob ng QC Hall compound upang ma-accommodate ang dagsa ng mga nagbabayad ng kanilang buwis sa lokal na pamahalaan.

Ang ground floor level ng parking building ay kayang mag-accomodate ng hanggang 127 sasakyan. Kapag natapos na, ang bagong parking building ay maaa­ring mag-accommodate ng hanggang 638 sasakyan.

Ang ground level ay eks­klusibong gagamitin ng mga taxpayers mula Lunes hanggang Biyernes mula alas -8:00 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Ang sasakyan ng lahat naman ng empleyado ng pamahalaang lungsod at iba pang government vehicles ay bawal mag-park sa bagong pasilidad.

Para magamit ng mga taxpayers, kailangan lamang na magpakita sila sa mga guwardya ng QC Hall ng anumang katunayan na siya ay papasok sa bagong parking building dahil magbabayad siya ng amilyar o business tax.

comments powered by Disqus

mofuse.com