3 katao todas sa shootout sa QC

By Gemma Garcia

image

Tatlo katao kabilang ang sinasabing high value target ng pulisya ang napatay matapos na manlaban habang isinisil­bi ang warrant of arrest kahapon ng madaling araw sa Quezon City. File

Pumalag sa aresto

MANILA, Philippines - Tatlo katao kabilang ang sinasabing high value target ng pulisya ang napatay matapos na manlaban habang isinisil­bi ang warrant of arrest kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ayon kay QCPD Di­rector Chief Supt. Guil-lermo Lorenzo Eleazar sina Johnny De Leon, 45, na sinasabing lider ng grupo at Arnold Manipon, 61, ng No.15, Unit H, Road 1, Brgy. Pagasa, ay itinuturing na high value target ng Santiago City, Isabela. Patuloy namang inaa-lam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isa nilang kasama.

Lumalabas sa imbestigasyon na dakong alas 5:18 ng madaling araw ng maganap ang engkwentro sa pagitan  ng grupo ng mga sus­pek at operatiba ng QCPD-District Special Operation Unit at Intelligence Division ng Police Regional Office (PRO 2)

Magsisilbi umano ng search warrant na may No. 5423 (17) for violation of Sec. 28, R.A.10591 o Ille­gal Possession of Firearms, ang mga ope­ra-tiba ng DSOU sa pangu­nguna ng hepe nito na si P/Supt. Rogarth Campo, na inisyu ni Exec. Judge Cecilyn Burgos-Villavert ng NCR-RTC Branch 89 QC laban kay De Leon at iba pang mga nakatira sa nasabing bahay.

Tila ayaw magpahuli ng buhay ng mga suspek kaya nakipagbarilan ang mga ito at isa sa mga pulis ang ti­namaan na nakilalang si P01 Kenneth Lladoc ng QCPD. Ligtas na si Lladoc dahil sa suot na bullet proof vest.

 Nabatid na si De Leon at mga kasama  nito ay pawang sangkot din umano sa iligal na droga at  supplier umano ng shabu sa lalawigan ng Isabela, Quirino, Cagayan at Nueva Viscaya, subalit dito umano sa Quezon City nagtatago ang mga suspek.

Samantala, patay din ang drug suspect na si Orlando Lagunoy, Jr., 28, ng Bonanza Phase 2, sa Brgy. Fortune na nagtamo ng 15 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan  kahapon ng madaling araw sa Marikina City.

Lumilitaw sa ulat ng Marikina City Police, sa tanggapan ni P/Chief Supt. Romulo Sapitula, Director ng Eastern Police District (EPD), na dakong alas-4:45 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Fortune Ave. sa Bonanza 1. Hinabol ng isang grupo ng mga di kilalang suspek ang biktima mula sa looban ng Bonanza.

Nang makorner uma­no nila ito sa isang ba­kan­teng lote sa Fortune Ave. ay kaagad na itong pinaulanan ng bala at saka mabilis na tumakas, nang matiyak na wala ng buhay ang target.

Nakarekober ang mga pulis ng 15 basyo ng bala ng baril na di pa batid ang kalibre mula   sa crime scene.

Hinala naman ng pu­lisya na posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay matapos na matukoy na kasama ang biktima sa drug watchlist sa kanilang lugar. May dagdag ulat si Mer Layson

comments powered by Disqus

mofuse.com