Kelot ginawang human target, katawan nagkabutas-butas

By Gemma Garcia

image

Halos nagkabutas-butas ang katawan ng isang 29 anyos na lalaki matapos siyang gawing human target ng tatlong armadong kalalakihan kama-kalawa ng hapon sa Quezon City. File

MANILA, Philippines - Halos nagkabutas-butas ang katawan ng isang 29 anyos na lalaki matapos siyang gawing human target ng tatlong armadong kalalakihan kama-kalawa ng hapon sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) ang biktima na si Jade Regino, ng Purok 15, Unit V. Brgy. Commonwealth.

Ayon kay Eleazar ang tatlong mga suspek ay pawang nakasuot ng maskara at mga armado na sakay ng hindi na plakahang motorsiklo.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Virgilio Mendoza, naganap ang krimen bandang ala-1:30 ng hapon sa tapat ng isang Construction Site (Batasan Hospital) sa kahabaan ng IBP Road, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Sa pahayag kay PO3 Mendoza, ni Ronel Mahinay, security guard sa construction site bigla na lang umano siyang nakarinig ng tatlong sunud-sunod na putok ng baril di kalayuan sa nasabing lugar  kaya’t mabilis siyang nagtago sa isang ligtas na lugar sa project site.

Makalipas ang ilang minuto ay muli umano siyang nakarinig ng na alingawngaw ng putok ng baril sa nasabing lugar subalit sa puntong ito mula sa kanyang pinagtataguan ay sumilip si Mahinay sa nakaawang na pader kaya nakita umano niya ang duguan at nakabulagtang biktima habang ang tatlong suspek bitbit ang kanilang baril ay naglalakad na patungo sa direksyon ng Filinvest Road 1 at mabilis na sumakay sa kanilang nakaparadang get-away motorcycle bago tuluyan tumakas.

Sa imbestigasyon naman ng Scene of the Crime Operatives (SOCO ) sa pangunguna ni Sr. Insp. Jun Malong narekober sa crime scene ang 21-piraso ng basyo ng bala; 3-deformed fired bullets; 5-metallic framents; 3-deformed lead core at isang cartridge ng hindi mabatid na kalibre ng baril.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga suspek at kung ano ang motibo sa pamamaslang.

comments powered by Disqus

mofuse.com