10 kalsada sa Metro Manila isinara

By Mer Layson

MANILA, Philippines -  Pansamantalang isinara ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang 10 kalsada sa Metro Manila, upang bigyan daan ang pagkukumpuning ginagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa ipinalabas na abiso ng MMDA, sinasabing nagsagawa sila ng road re-blocking simula alas-11:00 ng gabi ng Biyernes na magtatagal hanggang Lunes, Agosto 14, dakong alas-5:00 ng umaga.

Tinukoy ng MMDA, ang mga lugar na apektado ng road re-blocking na kinabibilangan ng Southbound sa  kahabaan ng Bonifacio Avenue pagitan ng Del Monte St. pagkatapos ng Binhagan St., Quezon City (2nd lane); EDSA malapit sa Trinoma, Quezon City (2nd lane) at C-5 Road  malapit sa  Julia Vargas, Pasig City

Sa Northbound ay ang Mac Arthur Highway malapit sa Monumento Circle, Caloocan City; Mindanao Avenue malapit sa Road 20, Quezon City (2nd lane), Manila East Road harapan ng SM East Ortigas, Pasig City.

Isasara rin ang Congressional Avenue Extension sa pagitan ng Visayas Avenue hanggang Tandang Sora Ave­nue, Quezon City (3rd lane), Quirino Highway pagitan ng Regalado Ave­nue North hanggang La Mesa Dam, Quezon City (2nd lane)

Maging ang Westbound  ng Luzon Avenue  pagitan ng Commonwealth Avenue  hanggang Congressional Avenue  Extension, Quezon City (1st lane).

comments powered by Disqus

mofuse.com