16-anyos stude pisak sa trak

By Ludy Bermudo

MANILA, Philippines - Patay ang isang 16-anyos na dalagitang estudyante ng Adamson University nang masagasaan ng dambuhalang trailer truck sa tapat ng Paco Park sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Medical Center Manila (MCM)  ang biktimang si Justinne Mariflor Sarmiento, Grade 11, dahil sa matinding pinsalang inabot sa katawan.

Nabatid na alas-11:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa General Luna St., Paco. May aktibidad umano ang biktima at mga kaklase nito sa Paco Park kaya siya nagtungo doon at aksidenteng masagasaan nang papaliko ang isang trailer truck na minamaneho ng isang Rene Gerbert Perez, 33 anyos.

Hindi umano napansin ng driver na nasagasaan ng kanyang trak sa bandang hulihang bahagi ng mga gulong nito ang biktima na posibleng dahil sa papaliko ang mahabang katawan ng nasabing sasakyan.

Nasa impounding area na ng Manila District Traffic Enforcement Unit ang truck na ipinahila sa wrecker habang nakapiit naman ang driver nito na sasampahan ng reckless imprudence resulting in homicide.

comments powered by Disqus

mofuse.com