Brgy. chairman, itinumba ng tandem

By Ludy Bermudo

image

Patay ang isang 47-anyos na Punong Barangay nang pagbabarilin habang nakikipag-usap sa mga kaanak ng namatay na barangay treasurer sa San Roque St., sa Tondo, Mayni­la, kama­ka­lawa. File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 47-anyos na Punong Barangay nang pagbabarilin habang nakikipag-usap sa mga kaanak ng namatay na barangay treasurer sa San Roque St., sa Tondo, Mayni­la, kama­ka­lawa.

Nadamay din sa pama­maril ang isang ‘pipi’t-bingi’ na Christopher Balotinos, 32, na nakaratay pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center dahil sa tinamong tama ng bala sa likod.

Dead-on-arrival sa na-sabing ospital si Barangay 20, Zone 2, District 1 Chairman Arnel “Bong” Parce, ng  Kagitingan St., Tondo dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at leeg.

Sa ulat ni PO3 Aldeen Legaspi ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa may San Roque St., Tondo.

Sa pamamagitan ng pagmuwestra o sign language ni alyas Pipi, na dalawang  lalaki na nakatakip umano ang mukha ang dumating lulan ng motorsiklo kung saan bumaba ang backrider at mabilis na nilapitan si Parce.

Biglang pinaputukan si Parce sa ulo at leeg ng ilang ulit habang ang nagmaneho ng motorsiklo ay dumiretso at nawala na sa frame ng CCTV.

Nakita naman na nagpapambuno na si Pipi at naagaw sa gunman ang baril.

Ang gunman na naka-suot ng puti ay makikitang lu­mitaw ang dobleng kasuotang pang-itaas hanggang sa nakahulagpos at nagtatakbo patakas sa direksiyon ng Road 10  kaya sinubukan siyang paputukan ni Pipi subalit wala palang bala.

Naroon din ang isang Camin, barangay Ex-O na armado ng baril na nakitang pinaputukan ang tumatakas na suspek.

Narekober ni Camin mula kay Pipi ang baril na naagaw sa suspek.

Sa salaysay ng may-ba­hay ni Parce, may mga natanggap ng death threats ang kaniyang mister kahit hindi pa man ito naka­upong tserman sa kanilang lugar.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente hinggil sa motibo at kung sinu-sino ang posibleng nasa likod ng krimen.

comments powered by Disqus

mofuse.com