7 kabataan huli sa marijuana

By Mer Layson

image

Sa ulat ng Quezon City Police, dakong alas-10:00 ng gabi nang makatanggap ng tawag at reklamo ang mga opisyal ng Barangay Commonwealth hinggil sa paggamit ng marijuana ng pitong kabataan sa Obanic Street, ng nasabing barangay. AP/Jeff Chiu, File

MANILA, Philippines — Pitong menor-de-edad ang nahuli ng mga awtoridad habang aktong gumagamit ng marijuana sa Barangay Commonwealth, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police, dakong alas-10:00 ng gabi nang makatanggap ng tawag at reklamo ang mga opisyal ng Barangay Commonwealth hinggil sa paggamit ng marijuana ng pitong kabataan sa Obanic Street, ng nasabing barangay.

Agad namang itinawag ng mga barangay official sa Batasan Police Station ng Quezon City Police District at mabilis na nagresponde na nagresulta ng pagkakadakip ng pito na ang mga edad ay 14-17 at pawang mga estudyante.

Sa himpilan ng pulisya ay inamin ng pito na niyaya lamang sila ng kanilang barkada na gumamit ng marijuana. Sa internet umano sila nakipag-transaksiyon para sa pagbili. Anila, nabili nila ang dalawang maliit na supot ng marijuana sa halagang P300.

Dinala sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga binatilyo at nakatakda ngayong ipasa sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa shelter program na tumutulong sa mga menor-de-edad na nalulong sa droga.

Hiling ng mga magulang sa awtoridad, hulihin rin ang mga nagtutulak at nagbebenta ng droga na nambiktima sa kanilang mga anak.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng PDEA para madakip ang pusher ng ipinagbabawal na marijuana.

comments powered by Disqus

mofuse.com