Sa Piling ng Kalapati(92)

By Ronnie M. Halos

“PATAWARIN mo ako Donna! Hinusgahan agad kita!” sabi ni Dahlia habang yakap si Donna.

Nakatingin naman si Ruth at ang ang asawa ni Dahlia.

“Matagal na kitang pinatawad Dahlia. Noon pa kita hinahanap. Maski nga sa Facebook hinahanap kita.’’
“Wala akong Facebook, Donna.’’

“Mabuti at nagtungo ako sa dating tirahan mo. Ipinagtanong kita. Yung drayber ng lipat bahay ang nagsabi na narito ka sa Liliw.’’

“Balak na rin kitang ha­napin para humingi ng tawad pero hindi ko alam kung saan ka hahanapin. At saka malay ko ba kung nasa Japan  ka na.’’

“Matagal nang panahon na hindi ako nagja-Japan Dahlia. Mahabang kuwento.’’

“Sino nga pala ang ka­sama mo, Donna?”

“Ampon ko, si Ruth.’’

Ipinakilala ni Mommy Donna si Ruth kay Dahlia.

“Siya si Tita Dahlia mo.’’

Hinalikan ni Ruth si Dahlia.

“Kumusta ka Tita Dahlia?’’

“Mabuti naman Ruth. Masaya ako at nagkita-kita tayo.’’

“Masaya rin ako Tita. Sigu­radong hindi na malulungkot mula ngayon si Mommy dahil nagkita na kayo.’’

Ipinakilala naman ni Dah­lia ang asawa.

“Donna, Ruth, siya naman ang mister ko, si Roger.’’

Nagmano si Ruth kay Roger.

“Maupo kayo sa sopa,” sabi ni Roger.

Naupo ang tatlo. Nanatili namang nakatayo si Roger.

“Kumusta ang buhay n’yo rito, Dahlia?’’

“Maayos naman ang buhay namin. May tindahan kami ng sapatos at tsinelas sa baba.’’

“Sa inyo ang tindahan?’’

“Oo. Diyan kami kumukuha ng ikinabubuhay na mag-asawa.’’

Maya-maya nagpaalam si Roger.

“Iiwan ko muna kayo at maghahanda ako ng lunch natin.’’

Nang makaalis si Roger, naitanong ni Donna kay Dahlia kung may anak ang mga ito.

“Wala kaming anak. May deperensiya ako sa matris.’’

“Ayaw n’yong mag-ampon?’’

“Pinag-iisipan namin ni Roger.’’

Makalipas ang kalaha­ting oras, tinawag na sila ni Roger para kumain. Mara­ming handa sa mesa. Adobong manok, inihaw na hito, mainit na kanin, ensaladang pako na paboritong ihanda ni Roger at may fresh buko juice.                                 (Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com