Sa Piling ng Kalapati (42)

By Ronnie M. Halos

“HABANG nag-uusap kami ni Toshi ukol sa pagpapauwi niya sa akin sa Pinas, ay nakikita kong patingin-tingin sa amin ang parents niya. Para bang mayroon silang binabalak sa akin. Paki­ramdam ko kasi, hindi nila ako gusto para kay Toshi. Mula kasi nang ikasal kami ni Toshi ay bihira nila akong ka­usapin. Kapag kinakausap­ ko na­man sila ay ayaw su­ma­got o kung sumagot ay matamlay,.

“Marunong naman akong mag-Nippongo kaya naiintindihan nila ako. Kinabisado ko ang language nila kaya hindi nila ako kayang pag­laruan. Maski sa pag-uusap nila ay para bang ako ang kanilang topic. Basta ganun ang nararamdaman ko at nagdulot iyon sa akin ng stress. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila sa akin. Baka ayaw nila na isang Pinay ang mapangasawa ng anak nilang si Toshi.

“Dahil sa pangako ni Toshi na agad siyang susunod sa akin sa Pinas, kasama ang aming baby ay napapayag niya ako. Sabi niya, after one week ay susunod sila. Hintayin daw siya sa airport. Muli kong tinanong kung bakit kailangang ma­una ako sa pag-uwi. Pero muli na namang iginiit na huwag nang magtanong at sundin na lamang daw siya. Kailangan daw ay makabalik na ako ng Pinas.

“Kaya nag-empake na ako ng damit. Iyon ang unang pagkakataon na makakauwi ako pagkaraan nang maraming taon.

“Nang aalis na ako, iyak ako nang iyak habang hindi mabitiw-bitiwan si Keiko. Hinalikan ko nang hinalikan ang aking baby. Ewan ko kung bakit ganun ang pakiramdam ko.

“Hanggang makarating ako sa NAIA. Walang sumalubong sa akin dahil nawalan na ako ng kontak sa aking kapatid…’’              (Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com