Sa Piling ng Kalapati(91)

By Ronnie M. Halos

EKSAKTO alas otso ng umaga ay nasa San Pablo na sila. Ipinagtanong nila kung saan ang sakayan ng jeep patungong Nagcarlan-Liliw. Itinuro sa kanila.

Eksakto alas nuwebe ay nasa Liliw na sila. Nakita nila ang hanay ng mga tindahan ng sapatos at tsinelas. Tinungo nila ang simbahan. Malapit lamang daw doon ang tirahan nina Dahlia.

Nagtanong sila sa ba­­baing matanda na kalalabas lamang sa simbahan.

“Lola, may kilala po ba kayong Dahlia rito?’’

“Dahlia? Saan ba nakatira?’’

“Hindi nga po namin alam. Malapit daw po sa simbahan at tindahan ng sapatos.’’

“Aba dun ang tindahan ng sapatos. Mabuti pa dun kayo magtanong at baka kilala si Dahlia.”

“Salamat po.’’

Tinungo nila ang tindahan ng sapatos na malapit lang sa simbahan. Isang tauhang babae ng tindahan ang tinanong nila.

“Miss may kilala ka bang Dahlia rito?’’

Nag-isip ang tindera.

“Dito lang daw ang bahay sa may tindahan ng sapatos.’’

“Hindi ako sure kung ang Dahlia na hinahanap n’yo ay yung kilala ko pero subukan n’yo puntahan. Makikita n’yo ang bahay na ‘yun na kahanay nito na may tindahan din ng sapatos dun nakatira si Dahlia.’’

“Salamat,” sabi ni Donna.

Tinungo nila. Kinaka­bahan si Mommy Donna.

Nagtanong sila sa tin­dera kung doon nakatira si Dahlia. Dun daw.

“Nasa itaas po siya. Umakyat na po kayo. Dun po sa gilid ang daan.’’

Umakyat sila. Tuma­wag si Mommy Donna.

“Dahlia! Dahlia!’’

Bumukas ang pinto. Babae ang naroon at nasa likod ang lalaki.

“Donna!’’

“Dahlia!’’

Ang kapatid nga ni Donna. Niyakap ni Donna ang kapatid.

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com