Nunal (102)

By Ronnie M. Halos

“HUWAG kang pupunta sa pulis, Cely. Delikado!’’

“Opo Sir Robert.’’

“Papunta na ang PDEA sa bahay. Baka sa oras na ito, naroon na sila,’’

“Opo Sir. Sa simba­han na lang po ako pupunta. May mala­pit pong simbahan dito.’’

“Okey Cely. Pa­alis na rin kam ni Nesto rito sa Maragooc. Hu­wag kang mag-alala. Mag-ingat ka.’’

“Opo. Palagay ko po, wala na ang mga taong humabol sa akin.’’

“Ilan ba sila?’’

“Apat po.’’

“Maaaring nasa pa­ligid lamang sila kaya mag-ingat ka.’’

“Opo Sir. Yung CD po ang hinahanap nila. Palagay ko po yung painting ni Mam Mahinhin ang kanilang sinira. Narinig ko pong sabi ng pinakalider nila na baka nasa ilalim niyon ang CD. Ikinulong po kasi ako sa comfort room kaya hindi ko alam ang ginawa nila sa painting.’’

Napahinga nang ma­lalim si Robert bago nagpaalam kay Cely.

“Okey sige, mag-ingat ka, Cely.’’

“Opo, pupunta na po ako sa simbahan.’’

Natapos ang kanilang usapan.

Nakiramdam muna si Cely bago ipinas­yang umalis. Malapit na ang simbahan. Da­lawang kanto lang at naroon na siya. Mas safe roon kaysa sa pulis siya magtungo.

Nagmamadali siya sa paglalakad.

Paliko na siya sa kanto nang biglang may humawak sa kan­yang mga braso.

“Saan ka pupunta?’’

Parang tumigil ang mundo kay Cely.

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com