Nunal (63)

By Ronnie M. Halos

“ANO Mahinhin? Bakit ayaw mong sumagot? Ayaw mo bang ipagbili ang painting na ‘yan?’’

“Hindi ko pinagbibili yan, Robert.’’

“Ganun ba? Sayang! Gustung-gusto ko pa na­man. Ididespley ko sana sa aking kuwarto sa Maynila. Maganda kung sa kuwarto yan nakadispleuy para ako lang ang nakakakita. Sa mismong tapat ng bed ko ilalagay para kapag nakahiga ako e nakikita ko lagi. Pero kung hindi mo pala ipagbibili e okey lang.’’

Biglang nagtawa si Ma­hinhin.

“Hindi ko ipinagbibili  ang painting, pero ibibigay ko na lang sa’yo.’’

“Talaga? Baka nagbibiro ka?’’

“Hindi. Ibibigay ko nga sa’yo ‘yan. Pero may hihi­lingin uli ako sa’yo, Ro­bert.’’

“Ano ‘yun? Sabihin mo.’’

“Kapag may nangyari sa akin, ikaw na ang bahala kay Bighani.’’

“Bakit? Anong mangyayari sa’yo?’’

“In case lang na may mangyari sa akin, Ro­bert. Maipapangako mo ba?’’

“Oo. Sige. Ako ang bahala, Mahinhin. May sarili akong bahay at mayroong magandang trabaho. Kung kukup­kupin ko si Bighani, maluwag pa rin ako. May naipon na rin naman ako.’’

“Salamat, Robert. Ma­­bait ka talagang ka­ibigan.’’

“Basta ikaw, Mahinhin. Pero totoong sa akin na ang painting mo. Baka nabibigla ka lang.’’

“Hindi. Sa iyo na ang painting ko.’’

 (Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com