Nunal (120)

By Ronnie M. Halos

SA wakas, nakasampa si Mahinhin! Humihingal siya sa pagod! Akala niya, katapusan na. Mabuti at sinunod niya ang utos ni Robert na mahubad ang sapatos na kinapitan ng drug lord na si Tsekwa. Kung hindi baka naiwan siya sa loob ng basement at kung ano na ang ginawa ni Tsekwa.

Humihingal din sa pagod si Robert. Nahirapan din siyang maiahon si Mahinhin.

Nang may maisip si Robert.

“Takpan natin ang basement! Ikukulong natin sila roon.’’

“Dali!’’

Mabilis na inilagay ni Robert ang kober ng basement. Pagkaraang mailagay, itinulak niya ang isang cabinet na may lamang mga pigurin, pinggan at iba pang gamit para maging pabigat ng kober ng basement. Sa bigat ng cabinet, imposibleng mabuksan ang kober.

“Hindi na sila makakalabas diyan,” sabi ni Robert.

“Tumawag ka na sa PDEA!’’

“Oo!’’

Samantala sa loob ng basement ay tarantang-taranta sina Tsekwa. Pinagmumura ang dalawang tauhan.

“Mahuhuli tayo ng mga pulis! Mga bobo kasi kayo. Bakit ba lumusong tayong tatlo rito?’’

“Sabi mo di ba Bossing?’’

“Wala akong si­nabing ganun, ugok! Sige gumawa kayo ng paraan para ma­kalabas tayo! Buta­sin n’yo kung anuman ang nakaharang sa bunganga ng basement! Bilisan n’yo! Barilin n’yo ang nakaharang!’’

“Opo Bossing!’’

“Kailangang makalabas tayo bago dumating ang PDEA!’’

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com