Sa Piling ng Kalapati(49)

By Ronnie M. Halos

“GUSTO ko mang makakuha ng mara­ngal na trabaho, wala ring tatanggap dahil high school graduate lang ako. Alam ko, mali ang pilosopiyang yun dahil marami namang mara­ngal na trabaho para sa mga kulang sa pi­nag-aralan, kaso nga, nasanay na ako sa mabilisang pagkita ng pera gamit ang sari­ling katawan.

“Magsisi man ako, nandun na. nakalub­lob na ako sa putik. Kahit umiyak ako nang umiyak, wala nang mangyayari. Mas mahalaga ang kasalukuyan. Kaila­ngan kong mabuhay.

“Pero siguro kung tinanggap ako ng ka­pa­tid ko at hindi agad hinusgahan, baka hindi ako nasadlak sa pagi­ging sex worker. Baka may trabaho akong marangal kasi siyempre iba ang mayroong dumadamay. Mayro­ong nagpapayo at nag­sasabing mali ang ginagawa ko. Kaso, itinakwil ako ng kapatid ko. Hindi na ako binigyan ng pagkaka­taong magpaliwanag at makapaghayag ng mga nangyari.’’

Huminga nang ma­lalim si Mommy Donna.

Nagtanong si Ruth. “Hanggang ngayon wala kang balita sa sister mo?’’

“Wala.’’

“I-research natin sa FB, gusto mo?’’

“Huwag na.’’

“E dun sa Japanese na si Toshi, may balita ka.’’

“Wala! Kinalimutan na ako ng hayop na ‘yun.’’

Tumigil. Huminga muli nang malalim.

“Pero alam mo, Ruth napapanaginipan ko si Keiko – ang anak ko. Buhay daw!’’

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com