Sa Piling ng Kalapati(33)

By Ronnie M. Halos

TOTOO nga ang hula niya. “Nagsi-service” si Mommy Donna. At ang naserbisan niya ay isang masokista – taong nasisiyahan sa pakiki­pagtalik kapag pinahihirapan ang kapartner. Taong naaabot ang kasiyahan sa pakikipagtalik kapag sinasaktan ang babae – karaniwang nilalatigo, sinasampal, tinatadyakan at iba pang klase ng pana­nakit. Mas umaaray at sumisigaw sa sakit ang partner, mas nasisiyahan ang masokista sa pakikipagtalik.

“Pinahirapan ako ng Japanese na si Kakuie. Hindi ako makatanggi. Tiniis ko ang hirap!’’

“Bakit hindi ka lumaban?’’

“Hindi ko kayang lu­ma­ban. Wala akong lakas!’’

“Dapat nagsisigaw ka. Dapat nag-iingay ka!’’

“Hindi ko kaya! Nasa 36th floor kami ng condo. Isa pa walang makakarinig sa akin.’’

“Kaya mong lumaban pero hindi mo ginawa.’’

“Hindi ko talaga kaya. Wala akong magawa nang balyahin niya at sunud-sunod na latiguhin.’’

“Una mo bang naranasan yan, Mommy?’’

“Oo. Wala naman akong kaalam-alam na ganun pala ang Kakuie na yun. Kung alam ko, hindi ako sasama. Ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pang mabuhay nang matagal.’’

Napakagat-labi si Ruth. Naimadyin niya kung pa­ano latiguhin ang ina-inahan ng masokistang Hapones. Nakatalikod si Mommy Donna habang nakangisi ang ma­sokistang si Kakuie. Ba­wat sayad ng latigo sa likod ni Mommy Donna ay lumilikha ng ingay. Pa­rang ingay ng mga pakpak ng malaking ibon habang lumilipad.

“Paano kung napatay ka? Paano kung bigla kang ihulog sa bintana para mapagtakpan ang krimen.’’

Umiyak si Mommy Donna.

Yumakap nang mahigpit kay Ruth.

Umiyak din si Ruth.

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com