Damo sa Pilapil(104)

By Ronnie M. Halos

“NARINIG ko pong­ usap-usapan sa labas, Sir,” sabi ng “bisor” na hindi ma­katingin nang de­retso kay Zac dahil sa ma­tinding pagkahiya. “Mula po noong ikaw na ang ma­ging presidente ng kompanya, gabi-gabi na akong kinakabahan at na-stress.’’

“Bakit ka nagpaka-stress? Natakot ka sa sarili mong anino? Pa­patayin mo ang sa­rili dahil sa ma­ling akala.’’

“Kasi po’y ma­bigat ang kasalanan ko sa’yo Sir. Talagang binully kita noon. Grabe talaga ang ginawa ko. Nagsisisi talaga ako. Hindi na po mauulit iyon Sir. Patawarin mo na ako.’’

“Kalimutan mo na yun. Sige, bu­ma­lik ka na sa department mo at maging mapanatag. Pagbutihan mo na lang ang pagtatrabaho para sa pag-unlad ng kompanya.’’

“Salamat po.’’

Panatag na luma­bas ng opisina ni Zac ang “bisor”.

Sa isip ni Zac, nagkaroon na nang matinding aral ang “bisor”. Hindi niya kailangang gantihan ito sa mga nagawa sa kanya. Marami na siyang nakamtang biyaya kaya hindi na siya dapat mag-isip pang gumanti sa mga naka­gawa nang kamalian.

MALIGAYA ang pagsasama nila ni Dulce. Mahal nila ang isa’t isa.

Minsan, tinanong siya ni Dulce.

“Kahit wala ta­yong anak, okey lang Zac?’’

“Oo naman. Ikaw lang ang mahalaga sa akin.’’

“Kasi hindi na kita mabibigyan ng anak. May edad na ako.’’

“Okey lang sa akin, Love. Huwag mong problemahin yun. Basta ikaw ang kasama ko, maligaya na ako.’’

Niyakap ni Zac ang asawa.

“I love you, Dulce. Hindi ako magbabago kahit kailan.”

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com