Nunal (118)

By Ronnie M. Halos

KAHIT madilim, nakita nina Robert at Mahinhin ang pagbaba sa hagdan nina Tsekwa at dalawang tauhan. Nauuna ang tauhan na may dalang gallon ng gasolina.

Nasa ilalim naman ng hagdan sina Robert at Mahinhin. Titiyempo sila. Sasalisi sila.

Nagreklamo ang ta­uhan na may dalang gas.

“Madilim Bossing, pa­ano natin makikita ang hinahanap mo? Kailangan natin ng ilaw.’’
“Saan ka kukuha ng ilaw dito, ogag ka talaga.’’

“Sa ilaw ng cell phone mo Bossing!’’

“Wala akong cell phone!’’

“Paano tayo magha­hanap dito?’’

“Magliliwanag din ang mata mo! Sige hanapin na natin ang babaing sumira sa mukha ko. Kapag nakita ko, iabot mo sa akin ang gasoline at paliliguan ko. Sanay naman siyang maligo nung nasa Pugad-Uwak pa.’’

“Opo Bossing!’’

“Pero bago ko siya paliguan ng gasolina, makikikusap pa rin ako sa kanya na ilabas niya ang CD para quits na kami. Yun lang ang gusto kong makita.’’

“Sige hanapin na natin sila Bossing.”

Kumilos na sina Ro­bert at Mahinhin.

Umakyat sila sa hagdan nang marahan at walang kaingay-ingay. Pero nang limang baytang na lamang ang aakyatin, nadapa si Mahinhin at lumikha ng ingay.

Narinig ni Tsekwa.

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com