Nunal (123)

By Ronnie M. Halos

BINILISAN ni Tsek­wa ang pag-akyat sa hagdan habang ang dalawang tauhan ay nasa ilalim pa. Hindi makaak­yat nang mabilis ang dalawa dahil umuuga ang hagdan dahil sa bigat ni Tsekwa.

“Bilisan mo Bossing para makalabas na rin kami,’’ sabi ng isang tauhan.

“Oo,’’ sagot ni Tsekwa pero iba ang nasa isipan niya.

Pagdating niya sa itaas ay lalagyan niya ng takip ang bunganga ng basement para hindi ma­kalabas ang da­la­wang tauhan. Malakas ang kutob ni Tsekwa na ipagkakanulo siya ng dalawang tauhan kaya naisipan niyang ikulong ang mga ito.

Hanggang sa wakas ay isang baytang na lamang ang hahakbangan niya.

Ma­lapit na siya sa itaas! Humanda ka, Mahinhin! Papatayin kita. Marami kang atraso sa akin.

Hanggang sa ga­nap siyang maka­akyat sa bunganga ng basement. Isinungaw niya ang ulo.

Hindi siya makapaniwala sa nakita.

Mga PDEA agents ang naghihintay sa kanya!

“Arestuhin siya!’’

Nang akmang babalik siya sa basement, hinablot siya ng PDEA agent.

“Saan ka pupunta­ ha?”’

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com