Damo sa Pilapil (105)

By Ronnie M. Halos

“ALAM mo Zac, hindi ko naramdaman ang ganito sa una kong asawa. Ikaw lamang ang nagpadama ng ganito sa akin.’’

“Kasi nga tayong da­lawa ang talagang magka-soul mate. Naniniwala ka roon, Love?’’

“Oo. Naniniwala ako.’’

“Kaya siguro love na love kita dahil noon pa, tayo na talaga ang nag-iibigan.’’

Nang may maaalala si Dulce.

“Zac, gusto ko buma­lik tayo sa Encarnado Resort. Di ba sabi ko, babalik tayo dahil hindi ko malimutan ang lugar na iyon. Maraming matamis na alaala ang nangyari sa atin dun.’’

“E di bumalik tayo, Love. Next week. Mga three days tayo roon.’’

“Sige, Love. Hindi ko talaga malimutan ang Encarnado. Perfect ang lugar na iyon.’’

“Gusto ko maligo tayo para sulit na sulit.’’

“Sige.’’

 

MULI silang nagtungo sa Encarnado Resort. Ang dating bahay ang muli nilang inokupa.

“Hindi ko malilimutan ang bahay na ito, Zac kaya siguro paulit-ulit tayong pu­punta rito.’’

“Ano ang hindi mo malimutan dito, Love?’’

Napangiti si Dulce.

“Ano Love?’’

“Kailangan ko pa bang sabihin yun Love?’’

“Ano nga?’’

Ibinulong ni Dulce.

Bigla siyang kinabig ni Zac.

“Aba e di umpisahan na natin!’’

Binuhat siya ni Zac at dinala sa malambot na kama. Siniil ng halik sa labi hanggang sa gumapang sa leeg, sa dibdib, tiyan, puson hanggang…

“Zaaaccc! Zaaaaac!”

 

ILANG araw maka­raan silang dumating mula sa Encarnado Resort. Nagulat si Zac sa kalabog ng gate. Tinungo niya.

Si Bogs!

“Kakausapin ko si Dulce. Nasaan siya?’’

Nag-init si Zac.

“Hoy Tanda, huwag mong guluhin ang asawa ko! Umalis ka na!’’

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com