Nunal (69)

By Ronnie M. Halos

SA silong ng kanyang dalawang palapag na bahay inilagay ni Ro­bert ang mga painting ni Mahinhin. Sa dami ng paintings ay halos mapuno ang kuwarto sa silong. Papipinturahan niya ang kuwarto na may sukat na 36 square meters. Sapat na iyon para maging tahanan ng mga painting ni Mahinhin. Ang obra o self portrait ay sa kanyang kuwarto niya ilalagay. Iyon ang pinakamagandang painting ni Mahinhin kaya dapat espesyal ang paglalagyan. Gusto niya, sa paggising ay ang painting na iyon ang kanyang makikita.

Isang kakilala niyang mahusay mag-frame ng paintings ang kanyang kinontrata. Malaki ang kanyang ibinayad. Pero sulit ang binayad niya dahil napakaganda nang matapos ang mga ito. Nagmukhang mamahalin ang mga painting.

Nang nakadispley na ang lahat nang paintings at pinagmamasdan ni Ro­bert, hangang-hanga siya. Napakagaganda. Pa­lagay niya kapag nakita ng mga taong may pagmamahal sa art ang mga painting ay baka bilhin agad ang mga ito. Bihira ang ganitong pinta.

Matagal niyang pinagmasdan ang mga painting at nakadama siya nang hindi maipaliwanag na kasiyahan.

Ganunman, nalulungkot din siya sapagkat hindi niya alam kung nasaan si Mahinhin. Hindi niya alam kung paano hahanapin si Mahinhin na sa tingin niya ay hindi pang­karaniwan ang problema.

Napahi­nga siya nang malalim pagkatapos.

Bukas a­ayusin niya ang pagbubukas ng gallery ni Mahinhin.

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com