Nunal (121)

By Ronnie M. Halos

“HUMANAP kayo ng pambutas sa kober ng basement! Mamamatay tayo rito!” sabi ni Tsekwa na natataranta na. “Kailangang makalabas tayo rito.”

“Opo Bossing!’’

“Maghanap kayo ng bareta o kahit sinsil!’’

“Bossng walang ba­reta rito at sinsil.”

“Gumawa kayo ng paraan!’’

Naghanap ang dalawang tauhan nang maa­aring ipambutas sa kober ng basement.

Kinuha nila ang bakal na paa ng spring bed at ito ang ginamit para alisin ang takip ng basement. Pero dahil may nakaharang na malaki at mabigat na cabinet doon, hindi nila makayang iisod. Masyadong mabigat.

Pinagpapawisan na si Tsekwa.

“Matagal pa ba? Baka abutan tayo ng PDEA rito. Habambuhay tayong makukulong.”

Pabulong na nagsalita ang isang tauhan.

“Ikaw lang ang makukulong, hinayupak ka! Masyado kang ganid.’’

“Oo nga. Masyadong suwapang!” sabi naman ng isa pa.

Muling sumigaw si Tsekwa: “Ano matatapos na? Bilisan n’yo!’’

“Mabigat Bossing. Muk­hang may nakadagan sa ibabaw.’’

“Buwisit! Gumawa kayo ng paraan. Titriplehin ko ang sahod n’yo!’’

Muling bumulong ang isang tauhan: “Tuso ang hinayupak na yan. Huwag tayong maniwala.’’

“Oo nga!” sagot ng isa.

Narinig ni Tsekwa na nagbubulungan ang da­lawa.

“Anong pinagbubulungan n’yo? Baka ibebenta n’yo ako ha?”

“Hindi Bossing!”

“Sige itong pa­der naman ang butasin n’yo. Muk­hang manipis lang ito.’’

Binutas nila ang pader.

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com