Nunal (62)

By Ronnie M. Halos

“’YAN ang pinakama­ganda kong gawa, Robert. Inabot ako nang ilang buwan,” sabi ni Mahinhin. “Pinagbuhusan ko talaga.’’

Sa isip ni Robert ay nakita na niya ang scene na iyon. Nakita na niyang naliligo si Mahinhin sa ilog, kasama ang kapatid na si Bighani. Pero hindi na niya sinabi iyon kay Mahinhin.

Nagkunwari siyang ino­sente.

“Caprture na capture mo ang ganda ng kapaligiran. Saan ang setting n’yan?”

“Sa Ilog ng Pola. Dun ako naliligo.’’

“Ang ganda!’’

“Ng ilog?’’

“Hindi. Ikaw, Ma­hin­hin. Maganda ka kahit nakatalikod.’’

“Sa­lamat.’’

“Baka naman balak mong iharap ang painting na ‘yan. Para lalo kong makita ang kagandahan.’’

“Sira! Ginawa kong nakatalikod para maiba-iba naman. Isa pa gusto ko ring ipakita ang nunal ko. Nakita mo, Robert. Di ba yan ang sinasabi mo na isang bagay na nakaakit sa iyo kaya mo ako hinanap.’’

“Oo. Tama ka, Mahin­hin. Kaya nga nasabi ko na napakaganda ng painting­ na ito. Para sa akin, walang katulad.’’

“Salamat uli.’’

“Bibilhin ko ang painting­ na ‘yan, Mahinhin. Kahit magkano.’’
Ngu­miti si Mahinhin.

“Hindi ako nagbibiro Mahinhin, magkano ang painting na ‘yan?’’

Subalit ayaw sumagot ni Mahinhin.

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com