Sa Piling ng Kalapati (15)

By Ronnie M. Halos

NAALALA ni Ruth ang gabing ampunin siya ni Mommy Donna. Hindi niya malilimutin ang gabing iyon. Umuulan. Nasa ha­rapan siya ng isang kila­lang convenient store sa Doroteo Jose St. sa Sta. Cruz. Ang lugar na iyon ang naging tahanan niya mula nang mamatay ang kanyang ina dahil nasa­gasaan ng tren. Lasing ang kanyang ina at hindi napansin ang tren na pa­tungong Divisoria. Nakaladkad ang kanyang ina. Naging lasinggera ang kanyang ina mula nang mapatay ng mga SWAT ang ka-live-in nito. Pinagtangkaan siyang reypin ng hayop na ka-live-in habang naliligo siya. Kung hindi siya nakasigaw at nakahingi ng saklolo ay baka nakuha ang kanyang kabirhenan. Pero hinostage siya ng hayop na ka-live-in nang dumating ang tinawag na SWAT.  Isang SWAT ang nakakita nang magandang posisyon at nabaril sa ulo ang manyakis na ka-live-in ng kanyang ina.

Nakita siya ni Mommy Donna habang namama­luktot sa pagkakahiga sa may harapan ng convinient store. Giniginaw siya sapagkat tumutulo sa bahagi­ ng kinalulugmukan niya.

Ginising siya ni Mommy Donna. Noon pa ay madalas na niyang nakikita si Mommy Donna sa lugar na iyon. Kung minsan sa tapat ng isang casino.

“Gusto mong sumama sa akin,” tanong sa kanya ni Mommy Donna.

Naalimpungatan siya. Nabigla at hindi agad nakasagot.

“Gusto mong sumama sa bahay ko?’’ tanong uli. Malinaw na sa kanya ang lahat.

“Opo! Opo!” Walang gatol niyang sagot.

Isinama siya at doon nagsimula ang paniba­gong kabanata ng kanyang buhay. 

 

ISANG madaling araw na umuwi si Mommy Donna ay dumadaing ng sakit. Nilalagnat.

Alalang-alala si Ruth sa ina-inahan.

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com