Nunal (122)

By Ronnie M. Halos

HINDI kayang butasin ang pader. Buhos ang semento sa basement. Tumataginting ang ginagamit na pambutas kapag tumatama sa konkreto. Nagkabalu-baluktot ang bakal na pambutas. Hindi kaya kahit na gaano ka-lakas iunday sa pader.

“Bossing ang tigas! Solid na semento!’’ sabi ng isa sa mga tauhan.

“Oo nga Bossing!”  sabi naman ng isa pa.

Nagtaas ng boses si Tsekwa.

“Mga inutil kayo! Sa-yang lang ang pasuweldo ko sa inyo mga gago!’’

“Matigas talaga Bos-sing! Solid na semento ito.’’

“Akina nga yan at ako ang magbubutas!’’

Inagaw ang bakal na pambutas. Inundayan ang pader. Ubos-lakas.

“Arayyy koooo!’’

Napaaringking sa sakit si Tsekwa.

Lihim na nagtawanan ang dalawang tauhan.

Nagbulungan pa.

“Akala mo kung sinong malakas e ampaw naman pala!’’

“Buti nga!’’

Biglang nagtaas ng boses si Tsekwa.

“Anong pinagbubulu-ngan n’yo mga hinayupak kayo?’’

“W-wala, Bossing!’’

“Wala pala ha? Sige ituloy n’yo ang pagbutas. Kapag wala kayong naipakitang butas mamaya, babarilin ko kayo!’’

Magsisimula na sa pagbubutas ang dalawang tauhan nang marinig nilang binubuksan ang kober ng basement.

“Ano yun?’’ tanong ni Tsekwa.

Pinakinggan nilang mabuti.

“Binubuksan ang kober nitong basement!’’ Tuwang-tuwa sabi ni Tsekwa.

“Dali umakyat tayo!’’

Halos mag-unahan sila sa pag-akyat!

Sabay-sabay ang kanilang mga paa sa pagtuntong sa hagdan. Pero dahil tuso si Tsekwa, hinawi niya ang mga paa ng dalawang tauhan para makauna sa pag-akyat.

“Ako muna!’’

Walang nagawa ang dalawang tauhan kundi pagbigyan ang tusong si Tsekwa.

Halos magkalusot-lusot sa hagdan ang paa ni  Tsekwa sa pagmamadali. Atat na atat na siyang makalabas sa basement.

Habang umaakyat, pinaplano na niya ang gagawin kapag nakaharap si Mahinhin. Papatayin niya ito!

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com