Sa Piling ng Kalapati(96)

By Ronnie M. Halos

“MATAGAL ba kayong nag-usap ng lalaking si­nasabi mo, Danilo?” tanong ni Mommy Donna. Nahihiwagaan siya kung bakit gustong malaman ng lalaki ang kanyang pangalan.

“Sandali lang Mam Donna. Nakatigil lang ang kotse sa gilid. Basta nang masabi ko ang pa­ngalan mo, sumibat na.’’

“Wala talagang kasama sa loob ang lalaki. Baka naman nasa loob ang sinasabi mong Japanese?’’

“Palagay ko wala, Mam Donna.’’

Nag-isip si Donna. Nagtataka siya kung bakit ganun ang ginagawa ng mga taong may interes sa kanya. Nahihiwagaan na siya.

“Ano sa tingin mo ang lalaking nagtanong – mukha bang maton o sanggano?’’

“Hindi Mam Donna. Pa­lagay ko, personal driver siya. Mukhang mabait e.’’

Napatango na lamang si Mommy Donna.

“Sige, Danilo kung sakali at babalik, ibigay mo na ang buo kong pangalan. Pero huwag ang number. Pero subukan mong kunin ang name ng Japanese.’’

“Opo Mam Donna.’’

Kumuha ng pera sa wallet si Donna – P1,000, ibinigay kay Danilo.

“Ang laki nito Mam.’’

“Ayos lang yan. Basta itext mo agad sa akin o itawag ha.’’

“Okey Mam. Akong bahala.’’

Naghiwalay na sila.

Umuwi na si Donna.

Pagdating sa condo, iniisip niya kung sino ang taong naghahanap sa kanya. Si Toshi kaya?

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com