Nunal (66)

By Ronnie M. Halos

“MAY nakalimutan ako kina Mahinhin, Anto! Babalikan ko!’’ sabi ni Robert.

“Ano yun?’’

“Painting!’’

“Anong painting?’’

Ipinaliwanag ni Ro­bert na isang artist si Mahinhin at marami nang naipipinta. Isa sa mga painting nito ang binigay sa kanya.

“Napakaganda ng mga painting niya at yung binigay niya sa akin ang pinaka-da best niya. Binabayaran ko pero tumanggi.’’

“Ba’t tumanggi?’’

“Huwag ko na raw bayaran pero hiniling na huwag ko raw paba­yaan ang kapatid niyang si Bighani in case na may mangyari sa kanya. Ganun lang. Tinata­nong ko naman kung may problema siya pero wala raw.’’

“Mukhang may kinatatakutan siya, Robert.’’

“’Yan nga ang iniisip ko, Anto.’’

“Sana nagtapat siya sa iyo para matulungan mo.’’

“’Yun nga ang sabi ko pero wala raw siyang problema.’’

Napailing-iling si Anto. Naguguluhan.

Nagpatuloy si Ro­bert sa pagkukuwento.

“Tapos nang sabihin kong mahal ko siya at gusto ko siyang makasama habambuhay, big­lang sinabi na maging magkaibigan na lamang kami. Di ba nakakalito ano, Anto. Ano sa palagay mo?’’

“Maaaring may gumugulo sa kanya.’’

Napahinga si Robert.

Saka nagpasya na kunin ang painting na ibi­nigay ni Mahinhin.

“Kukunin ko ang painting­ ngayon din, Anto.’’

“Bu­kas na lang at sasamahan kita. Haya­an mong makapag-isip si Mahinhin.’’

“Sige.’’

 

KINABUKASAN, nag­tungo sila sa bahay ni Mahinhin.

Pero nagtaka sila nang walang sumasagot. Walang tao!

Nang pihitin ang seradura, bukas. Sad­yang iniwan na bukas?

“Pumasok tayo Anto baka may nangyari sa loob!’’

Pumasok sila. Walang tao!

Tinungo nila ang kuwarto na may mga painting­.

Nakita ni Ro­bert ang isang sobre na nakadikit sa self portrait ni Mahinhin.

“Ano kaya ito?”

“Basahin mo.’’

Kinuha niya ang sobre.

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com