Nunal (64)

By Ronnie M. Halos

IPINILIT pa rin ni Robert ang nararam­damang damdamin kay Mahinhin sa pag­kakataong iyon. Sure na siya sa sarili na si Mahinhin ang babaing gustong makasama sa buhay. Iyon ay sa kabila na gusto ni Mahinhin na maging magka­ibigan lang sila. Hindi niya matanggap na hanggang ganun na lang sila ni Mahinhin. Ngayon pa ba siya susuko?

‘‘Mahal kita Ma­hinhin, maniwala ka. Mula pa noong makita ka sa bar, mayroon na akong naramdaman sa’yo.’’

“Nabibigla ka lang, Robert. Hindi ako ang babaing bagay sa iyo. May pinag-aralan ka, maganda ang pamilya. Ako, isang dancer lang. Ma­ging magkaibigan na lang tayo, please.’’

“Higit pa sa pagiging magka­ibigan ang gusto ko, Mahinhin. Sana, maramdaman mo ang sinasabi kong pagmamahal.’’

‘‘Naguguluhan ako Robert. Kasi’y mula nang magsayaw ako sa Pugad-Uwak pakiramdam ko ba marumi ako. Kahit na sabihing hindi ako nagpapa-takeout, para bang masama akong babae. At ayaw kong pati ikaw ay madamay dahil doon. Hindi ako bagay sa’yo, Robert. Magturingan na lamang tayong magkaibigan. Puwede naman yun di ba?’’

“Mahirap para sa akin. Kakaiba nga ang nararamdaman ko. Hindi para sa ka­ibigan lang itong damdaming ito.’’

Napahinga si Ma­­hinhin. Malalim­. Saka tumingin sa labas ng bahay. Iniwa­sang tumingin kay Robert.

Pakiramdam ni Ro­bert ay may gumugulo pa sa isipan ni Mahinhin. Ayaw lamang ipagtapat sa kanya.

“May problema ka pa ba, Mahinhin?’’

Nagulat si Mahin­hin. Hindi makasa­got.

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com