Sa Piling ng Kalapati (28)

By Ronnnie M. Halos

HINDI na nagtanong si Ruth sa ina-inahan kung bakit dalawang araw itong mawawala. Hindi niya ugaling magtanong kay Mommy Donna ng mga personal na tanong. Kung saan man ito pupunta, hindi na siya nag-uusisa pa.

Pero nag-isip si Ruth kung bakit dalawang araw na mawawala ang ina-inahan. Ngayong lamang nangyari ito. Dati, pag-alis nito ng mada­ling araw, kinaumaga­han ay narito na agad. O kaya’y pag-alis ng umaga, sa hapon ay narito na. Ngayon lang talaga naging dalawang araw. At wala namang dalang damit para sa dalawang araw na gamit. Siguro’y dito lang siya sa paligid-ligid.

Muli, naisip ni Ruth na kapag nakatapos siya at nakakita ng trabaho, talagang patitigilin na niya si Mommy Donna sa “trabaho” nito. Hindi na niya paaalisin ng bahay. Hindi na ito tututol sapagkat mayroon na nga siyang trabaho. Kayang-kaya na niyang pakainin ang ina-inahan.

Naidalangin niyang makakita siya nang magandang trabaho na malaki ang suweldo para masustentuhan niya nang maayos si Mommy Donna.

 

DALAWANG araw ang naka­lipas. Dumating si Mommy Donna dakong alas sais ng gabi.

Matamlay ito. Tila nanghihina.

“Bakit ganyan ang itsura mo? Me sakit ka na naman?’’

“Wala, pagod lang ito.’’

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com