Sa Piling ng Kalapati (95)

By Ronnie M. Halos

ISANG minuto ring naghintay si Mommy Donna bago siya may narinig na tawag.

“Mam Donna!’’

Nang tingnan niya kung sino, si Danilo!

Lumapit ito sa kanya.

“Kanina ka pa Mam Donna?’’

“Kararating lang.’’

“May mahalaga akong sasabihin, Mam.’’

“Dun tayo sa res­tawran na yun.’’

Tinungo nila.

Umorder ng sandwich at kape si Donna.

Habang naghihintay sa order, hindi na mapigil si Donna.

“Anong sasabihin mo Danilo?’’

“Nagbalik yung naghahanap sa’yo kahapon. Pero walang kasamang Japanese. Pinoy ang nagtanong sa akin. Tinanong kung ano ang name mo. Sinabi ko. Pero tinanong ko rin kung sino ang nagpapatanong, sabi isang Japanese.’’

“Anong pangalan?’’
“Hindi sinabi.’’

“Ano raw dahilan at tinatanong ang name ko.’’

“Hindi rin sinabi.’’

“Pero pangalan ko lang ang sinabi mo.’’

“Oo. Hindi ko na­man alam ang apel­yido mo.’’

Nag-isip si Mommy Donna. Mukhang lumalalim ang misteryo. Sino kaya ng nagpapatanong sa pangalan niya? (Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com