Nunal (61)

By Ronnie M. Halos

HALOS mapuno ng paintings ni Mahinhin ang room na iyon. Pati kasuluk-sulukan ay may nakasandal na canvas. Karamihan ay wala pang frame. Kung ang lahat nang paintings ay naka-frame, tiyak na lalong magandang tingnan at puwede na ring isali sa art exhibit. Natatandaan ni Robert nang minsang du-malo siya sa isang painting exhibit isang taon na ang nakararaan, sa tingin niya, mas maganda pa ang mga gawang obra ni Mahinhin. Marunong siyang tumingin nang mahusay na painting.

“Kailan ka pa nagsimulang magpinta, Mahinhin?”’

“High school pa ako.’’

“Nag-aral ka talaga o talagang likas sa’yo ang pagiging artist.”

“Basta nalaman ko na lamang na marunong ako. Nakaabot ako ng second year sa Fine Arts. Hindi ko na naipagpatuloy at si Bighani na lamang ang pinag-aral ko.

“Nang matigil ako sa pag-aaral, lalo akong nagsikap na makagawa pa para may mapagkakitaan.’’

“Kaya ang dami mo nang nagawa. Baka mapuno na ang room na ito sa dami ng obra mo..’’

“Iniisip ko nga kung saan ilalagay ang iba pa. Karamihan kasi ay wala pang frame kaya hindi ko maidispley.’’

“Ibig mong sabihin may mga nakatago ka pang ibang paintings?”

“Meron pa.’’

“Aba e malaking pera na ‘yan kapag nabenta. Baka milyonarya ka na.’’

“Sana nga.’’

“Hayaan mo at tutulu-ngan kitang mabenta. May mga kaibigan din akong artist. Kailangang magkaroon ka ng exhibit.’’

Hindi makapagsalita si Mahinhin sa kasiyahan.

“Ano yung pinakamaganda mong work?’’

“Halika rito sa loob. Mayroon akong ginawa rito na para sa akin, kakaiba.’’

Pumasok sila dakong loob. Marami pa pala roon.

Isang may takip na painting ang binuksan ni Mahinhin.

Gulat na gulat si Robert sa nakita.

“Self-portrait ko,” sabi ni Mahinhin.

“Ang ganda!’’

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com