Nunal (119)

By Ronnie Halos

“ANO yun?’’ tanong ni Tsekwa.

“Hindi ko makita Bossing!’’ sabi ng tauhan na may bitbit na gasolina.

“Tingnan mo, ugok!’’

Tiningnan. Nakita ang paa ni Mahinhin na nakalawit sa hagdan.

“Bossing paa ng babae nasa hagdan!’’

“Saan? Saan?’’

“Ayun Bossing! Puwede mong abutin ang paa. Mukhang paa ng babaing hinahanap mo. Dakmain mo Bossing! Dakmain mo!’’

Nakita ni Tsekwa ang nakabitin na paa ni Mahinhin.

Mabilis na dinakma. Nahawakan ang suot na sapatos ni Mahinhin.

“Saan ka pupunta? Hindi ka makakatakas! Papatayin kita!’’

Pilit na itinadyak ni Mahinhin ang kanyang paa para makawala sa pagkakahawak ni Tsekwa. Pero mahigpit ang pagkakahawak sa sapatos.

Parang sakmal ng mabangis na hayop.

‘‘Tulungan mo ako Ro-bert! Tulungan mo ako!’’

‘‘Itadyak mo nang todo! Itadyak mo!’’

Itinadyak ni Mahinhin. Ubos lakas!

Pero mahigpit ang pagkakahawak ni Tsekwa. Desididong huwag bitawan ang sapatos ni Mahinhin.

Hanggang may naisip si Robert.

“Paliitin mo ang iyong paa hanggang sa mahubad sa’yo ang sapatos.

Paliitin mo ang paa! ’’

Ginawa ni Mahinhin. Nag-concentrate siya para mapaliit ang paa at nang mahubo ang sapatos na hawak ni Tsekwa.

Nang inaakala niyang maliit na maliit na ang paa, nag-concentate siya para mahubo iyon sa sapatos.

Isa, dalawa, tatlo ummmm!

Nahubo ang sapatos na hawak ni Tsekwa!

Nawalan ng panimbang si Tsekwa dahil sa paghubo ng sapatos mula sa paa ni Mahinhin. Napasalampak siya sa suwelo.

Sinamantala nina Robert at Mahinhin ang pagkakataon. Mabilis silang umakyat sa hagdan.

‘‘Dali, Mahinhin!’’

Nang makasampa sa butas si Robert, agad niyang inabot ang kamay ni

Mahinhin para ito naman ang makasampa sa entrada ng butas.

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com