Sa Piling ng Kalapati(27)

By Ronnie M. Halos

“AKO na Mommy ang magluluto ng almusal natin, tatapusin ko lang itong binabasa ko,” sabi ni Ruth.

“Ako na ang magluluto para hindi ka maabala.’’

Hindi na kumontra si Ruth. Hinayaan na niya ang ina-inahan.

Naisip na naman ni Ruth na talagang masuwerte siya at si Mommy Donna ang umampon sa kanya. Ano na kaya ang nangyari sa kanya kung hindi si Mommy Donna ang kumupkop sa kanya?

Siguro’y napahamak na siya. Baka nagahasa na siya habang natutulog sa harap ng convenient store sa Doroteo Jose St. sa Sta. Cruz.

Ma­­rami pa namang addict dun. Baka habang nakahiga siya ay biglang may tumabi sa kanya at gahasain siya.

Nailigtas siya ni Mommy­ Donna sa kapahama­kan. At hindi lamang iyon, naibangon siya at napag-aral. At ngayon ay malapit nang magtapos.

Mahirap na siyang makakita pa ng katulad ni Mommy Donna na sobra-sobra ang pagma­mahal sa kanya.

ISANG gabi, nagpa­alam si Mommy Donna kay Ruth. Bihis na bihis ito.

“Dalawang araw akong mawawala, Ruth. Ikaw na ang bahala rito sa bahay.’’

“Opo Mommy.’’

“Isara mo lagi ang pinto.’’

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com