Nunal (103)

By Ronnie M. Halos

MAHIGPIT ang kamay na humawak sa braso ni Cely pero lumuwag din at nang tingnan niya kung sino, isang lalaking hindi tipong gagawa nang masama.

“Taga-PDEA ako, ikaw si Cely?’’

“Opo Sir.”

“Saan ka pupunta at nagmamadali ka?’’

“Sa simbahan po.’’

“Nasaan ang mga la­laki na umano’y humahabol sa’yo?’’

“Hindi ko alam Sir. Nagtago ako sa imburnal at nang lumabas ako, wala na sila.’’

“Ganun ba? Sige, ihahatid kita sa simbahan dahil mas safe ako roon. Pupuntahan ko ang bahay ni Mr. Robert at baka naroon pa ang mga lalaking nireport. Saan ko ba makikita ang bahay?’’

“Dun po sa kalyeng iyon. Nasa kanto po ang bahay. Kulay green po ang gate ng bahay.’’

“Sige.”

Inihatid ng PDEA agent si Cely sa simbahan at saka mabilis ding umalis.

Tinungo ang bahay ni Robert. Nakita agad ng agent. Maya-maya pa, apat na PDEA agent pa ang dumating.

“Pasukin na natin! Sabi ng babae na nakausap ko, apat ang mga lalaki. Baka nasa loob pa ang da­lawa.’’

“Sige, tayo na.’’

Mabilis ni­lang pinasok ang bahay.

Pero hindi pa sila nakakarating sa may pinto, sinalubong na sila ng mga putok.

Napaatras sila.

“Mukhang marami sila!’’ Sabi ng isang agent.

“Kaya natin yan. Doon kami sa kabilang side at diyan kayo sa front door,” sabi ng team leader.

Pinaputukan sila.

Ganunman, mabilis pa ring nakapasok sa loob ang PDEA. Nakipagba­rilan sila sa mga nasa loob.

Nang tumigil ang putukan, tatlo sa kalalakihan ang patay. Isa lang ang natira, ang pinakalider ng grupo.

(Itutuloy)

comments powered by Disqus

mofuse.com