Cariño tinapik para sa Lady Altas

By Francisco Cagape

image

Michael ‘Macky’ Carino

MANILA, Philippines — Kinuha ng University of Perpetual Help System Dalta si Michael “Macky” Cariño bilang head coach ng Lady Altas para sa darating na NCAA Season 93rd  volleyball tournament na mag-uumpisa sa Enero 4, 2018.

Nangyari ang paglipat ni Cariño matapos itong magbitiw sa College of St. Benilde, ang koponan na nagkampeon sa NCAA women’s volleyball noong Season 91.

Malaking hamon nga­yon para kay Cariño ang muling pagdomina ng Lady Altas sa NCAA makaraang makapagtala ng Grandslam mula Season 87, 88 at 89.

Si Cariño ay nagsilbi rin bilang first assistant coach ni Sammy Acaylar sa nakaraang 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Agosto at assistant coach ng Sta. Lucia Lady Realtors sa Philippine Superliga.

Sa kanyang pagtalaga, inaasahang maganda ang takbo ng kampanya ng mga beteranong sina Lourdes Clemente, setter Necelle Gual, middle  blocker Shyra Umandal, outside spiker Bianca Tri­poli, outside spiker Cindy Imbo, opposite hitter Johan Rosal at libero Marjo Medalla sa Lady Altas.

Inaasahan din ang tulong ng mga bagong recruits na sina Leinne Oliver mula sa Bicol at Hershey Llorente mula sa Philippine Women’s University.    

Itinalaga rin ni Acaylar, ang sports director ng UPHSD ngayon si Cariño bilang executive coach ng volleyball at mamumuno sa volleyball program ng buong Dalta System kabilang na ang campuses sa Las Piñas, Molino at Calamba.

comments powered by Disqus

mofuse.com