Australia paghahandaan ang Gilas Pilipinas

By Russell Cadayona

MANILA, Philippines — Kagaya ng Australia, wi­nalis din ng Gilas Pilipi­nas ang dalawa nilang asig­natura sa first window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon kay head coach Andrej Lemanis ng Austra­lia, kailangan nilang pag­handaan ang tropa ni mentor Chot Reyes.

“The unique challenges that the Philippines present have definitely been part of the discussion and selection process,” ani Lemanis sa ulat ng fiba.com.

“Basketball is the number one sport in the Philippines, they produce highly skilled players and play well together as a team,” dagdag pa nito.

Lalabanan ng Australia ang Gilas Pilipinas sa se­cond window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero 22 sa Margaret Court Arena sa Melbourne.

Isa sa mga hakbang na ginawa ni Lemanis pa­ra sa pagsagupa ng Boo­mers sa Nationals ay ang paghugot ki­na 2016 Olympic guard Ke­vin Lisch ng Sydney Kings at Perth Wildcats power forward Jesse Wagstaff.

"Continuity is important in the team, especially with the limited preparation time in the FIBA windows," wika ni Lemanis.

Kapwa may 2-0 record ang Gilas Pilipinas at Australia sa Group B, habang may 0-2 baraha ang Japan at Chinese-Taipei.

Matapos labanan ang mga Aussies ay sasagupain naman ng Nationals ang mga Japanese sa Pebrero 25 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nasa training pool ng Gilas Pilipinas sina four-time PBA MVP June Mar Fa­jardo, naturalized player An­dray Blatche, Jayson Cas­tro, Kiefer Ravena, Ke­vin Alas, Jio Jalalon, RR Pogoy, Matthew Wright, Allein Maliksi, Gabe Norwood, Carl Bryan Cruz, Mac Belo, Troy Rosario at Ja­peth Aguilar.

Kamakailan ay tinanggal ni Reyes sa training pool sina 6'7 Raymond Al­­mazan at 6'2 Calvin Abue­va ng Alaska dahil sa hindi pagdalo sa ensayo tuwing Lunes, ang kanyang 12-man roster.

comments powered by Disqus

mofuse.com