James, frye inilusot ang CAVS sa panalo

MANILA, Philippines — Bron James ng back-to-back triples sa dulo ng fourth quarter para ibangon ang Cleveland Cavaliers mula sa 23-point deficit at resbakan ang Knicks, 104-101.

Nagmula ang Cavs sa panalo laban sa Dallas Mave­ricks para ilista ang kanilang ikalawang sunod na ratsada.

Huling naglista ng back-to-back wins ang Cleveland sa pagsisimula ng season nang talunin ang Boston at Milwaukee.

Kinuha ng Knicks ang 23-point lead, 73-50 at puma­sok sa fourth period bitbit ang 15-point advantage bago naagaw ng Cavs ang abante  sa dulo ng nasabing yugto.

Ang triple ni Frye sa huling dalawang minuto ng laro ang nagtabla sa Cleveland sa 97-97 na sinundan ng tres ni LeBron para sa kanilang 100-97 bentahe.

Nauna nang tinalo ng Knicks ang Cavaliers, 114-95 sa una nilang pagtutuos.

Umiskor si James ng 23 points mula sa 7-of-14 field­goal shooting habang nagdagdag si Kyle Korver ng 21 markers mula sa bench at nagsalpak ng 5-of-12 three-point attempts.

Nag-ambag naman si Dwyane Wade ng 15 points mula sa bench kasunod ang 13 markers ni Jae Crowder.

Nalasap ng New York ang kanilang pang-limang kabiguan sa 12 games.

Naglista si Tim Hardaway ng 28 points para banderahan ang Knicks habang may tig-20 markers sina Enes Kanter at Kristaps Porzingis.

Sa Phoenix, tinapos ng Los Angeles Lakers ang kanilang tatlong sunod na kamalasan nang talunin ang Suns, 100-93.

Matapos magtabla sa 81-81 sa gitna ng fourth quarter, humataw ang Lakers ng 17-7 atake na tinampukan ng layup ni Fil-Am guard Jordan Clarkson para iwanan ang Suns, 98-88 sa huling 2:43 minuto ng laban.

Binanderahan ni Clarkson ang Los Angeles (6-8) mula sa kanyang 25 points buhat sa 11-of-19 shooting.

comments powered by Disqus

mofuse.com