NU, Ateneo malinis pa rin

MANILA, Philippines — Napanatili ng National University at Ateneo de Manila University ang kani-kanilang malinis na rekord matapos patumbahin ang kanilang karibal sa UAAP Season 80 juniors basketball tournament.

Parehong may ima­ku­ladang 5-0 marka ang Bullpups at Blue Eaglets kung saan dalawang playdates na lamang ang natitira sa first round.

Inilabas ng NU ang lahat ng bangis nito upang gulantangin ang defen­ding champion Far Eastern University-Diliman sa iskor na 80-68.

 Inilampaso naman ng Ateneo ang UST sa bisa ng 94-63 demolisyon.

Matikas din ang rekord ni sophomore center Kai Sotto na may averages na 14.6-point, 12.2-rebound at 4.4-block sa season na ito.

comments powered by Disqus

mofuse.com