Boston nakipag-trade sa Philadelphia para makuha si Fultz sa Draft

MANILA, Philippines - Sa huli ay hindi sa Bos­ton Celtics magla­la­ro si Washington guard Mar­kelle Fultz.

Ito ay matapos magkasundo ang Philadelphia at ang Boston sa isang trade kung saan makukuha ng 76ers si Fultz bilang No. 1 pick sa 2017 NBA Draft na nakatakda sa Huwebes.

Ang naturang trade ay hindi pa naaaprubahan ng NBA.

Noong Sabado ng gabi ay nakipag-ensayo si Fultz sa Philadelphia.

Dumating si Fultz sa practice facility ng 76ers pa­ra sa isang workout at pa­kikipag-usap sa mga team officials na nakasuot ng isang Philadelphia cap.

“I don’t really pay atten­tion to everything that’s going on,” sabi ni Fultz. “I’m truly blessed to be in this position. Whatever hap­pens, I’m looking forward to taking my talents to wherever I go.”

Bilang kapalit ay makukuha naman ng Celtics ang No. 3 pick kasama ang karagdagang first-rounder sa 2018 o 2019 draft, ayon sa isang source.

Sakaling tuluyan nang aprubahan ng PBA ang trade ay muling mapapasa­kamay ng 76ers ang No. 1 selection para sa ikalawang sunod na sea­son.

Nakamit ng Philadelphia ang No. 1 draft spot no­ong 1973 (Doug Collins), 1996 (Allen Iverson) at 2016 (Ben Simmons).

Kung wala nang magi­ging pagbabago sa araw ng Huwebes ay kukunin ng Philadelphia ang No. 1 overall pick kasunod ang Los Angeles Lakers (No. 2), Boston (No. 3) at Phoenix (No. 4).

Nagposte ang 6-foot-4 guard ng mga averages na 23.2 points, 5.7 rebounds at 5.9 assists sa 25 games.

comments powered by Disqus

mofuse.com