ColorManila Run kasado sa Jan. 7

By Francisco Cagape

MANILA, Philippines — Inaasahang sasalihan ng maraming fitness buffs ang ColorManila Run Year 6 na kilala rin bilang CM Paradise Run ngayong Enero 7 sa susunod na taon sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.

Sa nakaraang pagdaraos sa CMR5, mahigit 12,000 runners ang sumali kaya nabigyan ito ng inte­r­national recognition at na­ging finalist para sa Asia Sports Industry Awards sa Bangkok, Thailand sa Mass Participation ca­tegory at sa Best Integrated Marketing Campaign ng Sports Event category.

Bunga nito, naging po­pular na rin ang CMR5 sa 13 bansa kabilang na ang  Ma­laysia, India, Turkey at Spain.  

Sa ika-anim na edis­yon, target ng organizer ang mahigit 15,000 runners para makipagsaya sa ‘Paradise-themed run’ na gaganapin sa unang Linggo ng taong 2018. 

Kabilang sa paglalabanan ang 3K, 5K, 10K at at  21K sa taunang fun run na isasabay din ang pagdaraos sa CM Color Festival kung saan ang lahat ng mga kalahok ay sasali sa sayawan ng DJ.

Ayon kay  ColorManila Vice President Justine Cordero na inaasahan nilang makikisaya ulit ang mahigit 100 runners na sumasali sa loob ng anim na taon.

Sinabi pa ni Cordero na inaasahan din nila ang pagsali ng mga celebrities at mga atleta tulad nina Karylle, Kuya Kim, Yassi Pressman, Dominique Roque, Sam YG at Bubbles Paraiso.

comments powered by Disqus

mofuse.com