Balkman bumida sa panalo ng Alab

By FCagape

Laro sa Linggo(GOR CLS Kertajaya Gym, Surabaya, Indonesia)

7 p.m. - Alab Pilipinas  vs. Indonesia CLS Knights 

MANILA, Philippines — Isinalpak ni import Renaldo Balkman ang winning basket sa huling 3.8 se­gundo ng laro para itakas ang San Miguel Beer-Alab Pilipinas laban sa Thailand Mono Vampire, 86-84, no­ong Miyerkules ng gabi sa 2017-2018 ASEAN Basketball League sa Baliwag Star Arena sa Baliwag, Bulacan.

Tinanggap ni Balkman ang magandang pasa mu­la kay Justin Brownlee at umis­kor ng layup para bu­ra­hin ang 84-84 pagkakatabla.

May natitira pa sanang oras matapos ang basket ni Balkman, ngunit sinupalpal ni Brownlee ang tira ni da­ting PBA import Michael Singletary para masungkit ng Alab Pilipinas ang pang-anim sunod na panalo.

Ito ang kabuuang pang-siyam na panalo ng Pilipinas upang umakyat sa solo third spot sa 9-4 kartada at ilaglag ang Mono Vampire sa pang-apat na puwesto sa 9-5.

Nanatili ang nag­de­de­pen­sang Hong Kong Eas­tern Lions sa unahan ng stan­ding sa 9-2, habang ang Chong Son Kungfu ng Chi­na ay pumapangalawa sa 8-2 kasunod ang Singa­pore Slingers (7-7) at Saigon Heat (5-6).

“It’s really all team effort, everybody works together and wants to win this game. With this victory, right now I think we can make it to the top. All we just have to do now is take the game one at a time,” sabi ni Balkman.

Bukod kay Balkman,  umiskor din si Brownlee ng 16 puntos, ang 12 dito ay mula sa three-point line bukod pa sa 12 rebounds, 8 assists, 4 steals at 5 block shots.

comments powered by Disqus

mofuse.com