Triple-double ni Durant nagpabagsak sa Hornets

CHARLOTTE --  Sinalo ni Kevin Durant ang naiwang trabaho ni top scorer Stephen Curry para tulungan ang Golden State Warriors sa 101-87 paggupo sa Hornets.

Hindi makakalaro si Curry sa loob ng dalawang linggo bunga ng ankle injury, ipinoste ni Durant ang kanyang unang triple-double ngayong season sa tinapos niyang season-high 35 points, 11 rebounds at 10 assists bukod pa ang blocks.

Mula sa dikitang first quarter ay nagsimulang lumayo ang Warriors mula sa inihulog na 35-10 bomba para itala ang 26-point lead, 48-22  sa dulo ng second period.

Nakabangon ang Hornets para sa kanilang seven-point deficit sa fourth quarter.

Ngunit kaagad itong pinigilan ng Golden State nang maghagis ng 14-3 atake laban sa Charlotte at kunin ang kanilang pang-limang sunod na panalo.

Nagdagdag si Klay Thompson ng 22 points, kasama ang apat na triples habang tumipa si Nick Young ng 10 markers mula sa bench para sa Warriors.

Hindi naglaro si Draymond Green habang limang minuto lamang nakita sa aksyon si Zaza Pachulia.

Pinamunuan ni Kemba Walker ang Hornets (9-14) mula sa kanyang 24 points kasunod ang 15 at 14 markers nina Nic Batum at Dwight Howard, ayon sa pagkakasunod.

Sa  Cleveland, pumukol si LeBron James ng tres sa huling segundo ng laro para itakas ang Cavaliers sa 101-95 panalo kontra sa Sacramento Kings at  pantayan ang kanilang franchise record sa 13 sunod na panalo na pinakamahabang winning streak na naitala simula noong Marso ng 2009 at noong Enero at Pebrero ng 2010.

Tumapos si James ng 32 puntos bukod pa ang  11 rebounds at siyam na assists.

Nag-ambag si Kevin Love ng 18 points at 13 rebounds na sinuportahan naman ni Jeff Green ng 17 points of the bench.

Angat ang Kings sa 95-93 may 3:18 minuto na lang sa laro, kumana si James ng skyhook sa huling 1:35 na nagdala sa Cavs sa unahan, 97-95 na sinundan ng step-back triples sa huling 15.8 segundo ang siyang sumelyo  sa panalo ng Cleveland.

comments powered by Disqus

mofuse.com