SMART/MVPSF Taekwondo Summer Class dinagsa ng lahok

image

Ang mga kalahok sa Smart/MVPSF Taekwondo Summer Class sa pagsisimula ng kanilang training sa Taekwondo School Center sa Rizal Memorial Sports Complex.

MANILA, Philippines — Sa hangarin na maka-diskubre ng mga bagong talento, inumpisahan na ng Philippine Taekwondo Association ang 2018 Smart/MVPSF  Taekwondo Summer Class sa iba’t ibang regional chapters sa buong bansa.

Mahigit isang libo ang sumali sa dalawang buwan na training sa kabuuang 22 venues sa buong bansa sa suporta ng Smart at Manny V. Pangilinan Sports Foundation.

Ipinahayag ni PTA Secretary General at Makati Congressman Monsour Del Rosario na isa ring da­ting  multi-titled international campaigner na ang training sessions ay gaganapin sa mga nasabing chapters.

Maaaring makipag-ugnayan kay  Loreto Velasquez (09435605932) ang lahat ng mga interesado sa Region 1 at kay Arnel Gamata (09063360807) sa Region 2 at sa Region 3 ay kay Dauphin Punzalan ( 09088977886).

Sa Region 4-A naman, si  Eric Go (09209548956) ang contact person at si Raymund Val Padua (0917­8872382) sa Region 4-B habang si Benjamin Custodio (09213984475) sa Region 5 at si Harny Tabuada (09085477219) sa Region 6-A.

Si  Antonio Diasnes Jr. (09083054563) sa Region 6-B at sa Region 7 ay si Antonio del Prado  (09399999777) at si Jed Lirios (09301131039) sa Region 8-A at sa Region 8-B ay si Valente Villanueva  (09164026680). Sa Region 9 ay si Emmanuel Flores (09066120734) at si  Ma­rilou Go ( 09173199778) sa Region 10-A habang sa Region 10-B ay si Crisanto Roldan (09179851638) at sa Region 11 ay si Hyoung Joo Kim (09395607269).

Puwede ring maki­pag-ugnayan kay Porferio Tripoli (09089012131) sa Region 12-A at sa Region 12-B at kay Rogelio Gusilatar (OIC) (09985841772). Sa CAR ay si Melvin Morte (09175066861) ang contact person at sa CARAGA naman ay si Rigor Avenido (09278735301).

Kabilang din ang ARMM region sa naturang summer class at si Husin Abdulkadil (09169367677) naman ang contact person at si Gen. Alvin Parreno (09175965679) naman sa AFP at si Gen. Roberto Fajardo (09178981823) sa PNP.

Ang enrollment sa nasabing taekwondo class ay nagsimula na kahapon na tatagal hanggang sa Hunyo 2.  Ang programa ng PTA ay sinusuportahan ng PLDT, Meralco, Phi­lippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Sa lahat ng mga interesado ay maaari ring tumawag sa Philippine Taekwondo Association sa telephone Nos. 522-9518/522-0519/524-0547 o kaya sa e-mail adds na philippinetaekwondo@gmail.com/philtkd@gmail.com

comments powered by Disqus

mofuse.com