Kramer itinakas ang Phoenix

By Russell Cadayona

image

Hindi pinansin ni Phoenix guard Matthew Wright ang pagsabay sa kanya ni Kelly Williams ng TNT Katropa. (Kuha ni Jun Mendoza)
 

MANILA, Philippines — Hindi kasama si Doug Kra­mer sa final play ni head coach Louie Alas.

Ngunit ipinakita ng 6-foot-5 na si Kramer ang kan­yang pagiging beterano nang isalpak ang game-win­ning baby hook shot sa na­titirang tatlong segundo pa­ra ilusot ang Phoenix la­ban sa TNT Katropa, 74-72, sa 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang bola ay nagmula kay Matthew Wright, ipinagdiwang ang kanyang ika-27 kaarawan at tumapos na may 16 points, 5 rebounds at 3 steals para sa 4-4 baraha ng Fuel Masters kagaya ng Tropang Texters.

“The pass to Doug wasn’t drawn up but I knew that they will double me when I have the ball,” sabi ni Matthew Wright. “I trust Doug with every single time with that shot, He came through today.”

Nauna nang itinayo ng TNT Katropa, nabigong ma­itala ang kanilang ikala­wang sunod na panalo, ang 13-point lead, 37-24, mu­la sa dalawang free throws ni Ryan Reyes sa 2:55 minuto ng second pe­riod at hinawakan ang 72-69 kalamangan sa huling 1:43 minuto ng final canto.

Ngunit kumonekta si Wright ng isang three-point shot para itabla ang Phoenix sa 72-72 sa huling 44.1 segundo.

Ang mintis na jumper ni Jayson Castro sa po­ses­yon ng Tropang Texters sa nalalabing 19.4 segundo ang hinablot ni rookie Jason Perkins para sa timeout  ng Fuel Masters.

Ang resulta nito ay ang game winner ni Kramer.

Samantala, dinala na­man si TNT Katropa power for­ward Troy Rosario sa Ma­kati Medical Center matapos humampas ang kanyang baba sa sahig nang maaksidenteng ma­sa­hod ni Perkins sa ilalim ng basket sa 11:36 ng fourth period.

comments powered by Disqus

mofuse.com