Morales, Gorospe, Prado nagdomina sa elite races

By Francisco Cagape

MANILA, Philippines — Naungusan ni Jan Paul Morales sina Ronald Oranza at Jermyn Prado sa krusyal stretch para angkinin ang titulo sa road race event ng 2018 Philcycling National Cycling championships-Pru Ride PH kahapon sa Subic to Subic 137-km route.

Nasungkit ni Morales ang karera sa men’s elite na sinalihan din ng kabuuang 96 riders sa tiyempong tatlong oras, 42 minuto at 55 segundo upang makuha ang national champion’s jersey habang tumapos din si Oranza sa identical time sa treacherous road na kinabilangan ng Dambana ng mga Bayani sa Bataan at Mt. Samat sa Mariveles.

 “I really went for the win but I had to work hard for this one,” sabi ni Morales na nag-uwi ng mahigit P50,000 cash.

Bukod sa cash prize, si Morales din ang kakatawan  sa Pilipinas sa Prudential Life Ride sa London sa Hulyo kung saan lahat ng gastusin ay sagot ng  Pru Life UK.

Si Oranza na tumapos sa ikalawang puwesto ay nag-uwi rin ng P25.000 prize.

Masaklap din ang nangyari kay Felipe Marcelo at Jonel Carcueva matapos sumemplang malapit sa Subic Bay Exhibition and Convention Center para tumapos lamang sa ikatlo at pang-apat na puwesto.

Sina Marcelo at Carcuerva ay tumanggap ng  P15,000 at P12,500 ayon sa pagkakasunod.

Kabilang din sa pupunta sa London at nagwagi ng P50,000 ay sina Jermyn Prado sa women’s at under 23 winner at Ismael Go­rospe.

Si Prado ay nagtala ng 3:26:00 para angkinin ang ginto sa 96.55-km women elite race.

Tinalo niya sina Chinese Taipei’s Chang Ting Ting ng mahigit dalawang minuto   at limang minuto  ang lamang kay Arianne Dormitorio.

 Si Chang ay nag-uwi rin ng P25,000 at P12,500 naman kay Dormitorio.

Si Gorospe naman ang nagwagi sa Men’s  Under 23 sa oras na 3:45:40, habang si Danielver Carinon ay pumapangalawa at pangatlo si Ronilla Quita. 

comments powered by Disqus

mofuse.com